Shun
2h
Hi po, hindi po ako ex-DDS pero yung Family ko po ay DDS supporter so bali sila yung Ex-DDS ngayon.
actually kahit hindi pa ako nakakaboto nuon, si Noynoy parin ang isa sa mga pinakahinahangaan ko na naging presidente ng bansa kahit pa sinasabi ng iba palpak siya.
Pero ito share ko lang kaunting feelings ko sa mga nangyayari ngayon. 20 palang po ako so bali nung pagtakbo ni Duterte, di pa ako nakakaboto nun pero kahit ganun si Mar Roxas parin masasabi ko sinusuportahan ko nun.
Taga Mindanao po kami so pati Family ko bilib kay Duterte kasi taga Mindanao nga tas lalo na sa mga naririnig namin kung gaano kaayos ang Davao City dahil sa Drug War niya. Yung family ko hindi bumilib sa kasalukuyang adminstration nung time na yun which was kay Noynoy Administration pa nga.
Gusto kong i-push na okay naman ang pamamalakad ni Noynoy kasi bali siya yung naglinis ng mga naiwang basura nung nagdaang admin (Gloria Arroyo). Nakita ko lang na may pagkakamaling nangyari is yung sa Mamasapano. May kamag-anak din kasi kaming nasawi. isa po siya sa SAF (hindi ko na po papangalanan)
So yung Family ko decided na na si Duterte i-boboto nila. Kahit sa paglalatag palang ng propaganda, nakita ko nang may mali kay Duterte. 16 palang ako nun. Paano ko i-convince yung family ko na may mali talaga sa kanya. Hindi ako umimik pero pinalangin ko nalang na sana manalo si Mar o kung di man si Mar kahit si Poe nalang.
Nung dini-clare na nanalo si Duterte, ramdam ko yung disappointment ko. pero inisip ko baka mali lang yung pag judge ko sa kanya kaya hindi na ako nagsalita nung nagdiwang yung family ko sa pagkapanalo niya.
Nalungkot ako nung time na kinailangan nang bumaba ni Noynoy sa pwesto. Yung dating mga taong nasa likod niya at kasabay na naglalakad wala na. Mabibilang nalang sila na masasabi nating talagang loyal sa kanya.
6 months palang mula nung umupo si Du30 ramdam ko na disappointment ng family ko. Nag-uusap sila na may hindi na tama sa pamamalakad ni Du30.
Lumipas isang taon naririnig ko na usapan nila
"Maypa si Noynoy sauna" (Mabuti pa si Noynoy nuon)
Si Noynoy kasi nuon sa dami ng kritiko daw hindi nagsasalita bagkos nagtatrabaho ng tahimik. Naalala ko yung sinabi niya pagkatapos niyang bumaba
"Bakit ako pagpapa interview palage, hindi ko kailangang humarap sa camera kasi hindi naman ako artista katulad ng kapatid ko"
Naririnig ko palage ngayon ang pagkukumpara nila kay Du30 at Noynoy. Naririnig ko minsan ang pagsisisi nila. Ako rin, gusto ko silang sisihin kasi dahil lang sa pagiging bilib nila sa isang tao base lamang sa salita ay halos masira na ang future ng bansa o baka nga sira na. Kaonti nalang kasi, probinsya na tayo ng China.
Sa Apat na taon, nanahimik ako. Feeling ko nga parang wala akong boses kasi i open up ko lang yung mali ng kasalukuyang administration nuon halos kalaban ko buong pamilya ko eh
Sayang yung Spratly Island na pinaglaban hindi lang ni Noynoy pati na nang mga kasamahan niyang lumilipad pa ibang bansa para umattend ng mga meeting at hearing para sa isla natin pero bukas loob na binigay lang ni Duterte sa China.
Sayang yung pagpapakulong sa tatlong senador pero pinalaya lang ni Duterte.
Si Marcos na walang karapatang tawaging bayani, nakalibing na ngayon sa libingan ng mga bayani.
Yung mga pinsan ko sa Marawi, hanggang ngayon hindi pa nakakabangon kasi pinabayaan nalang ng gobyerno.
So ayon nga, dahil sa pagkakamali ng napakaraming Pilipino pati na nang pamilya ko, mas lalo tayong nalugmok ngayon.
Sana sa susunod na election wag lang nating pakinggan yung kung anong maganda sa pandinig natin kasi hindi lang naman tayo yung magsisisi at maapektuhan, pati na rin ang mga batang umaasa sa boto natin.
Isipin po natin ang kinabukasan ng bansa natin at salamat sa Diyos kasi kahit paaano natutupad na rin yung dasal ng 16 years old self ko nuon na dumating ang araw na may magising na. Sa apat na taon nagkaroon ulit ako ng pag-asa.
DARNA. wrote:Nuong una nag sinungaling. Ngayon naman napaka hipokrito.
Concern pero nanguna kayo sa rally na maaring nagpadami ng covid,
WAG KANG MASYADONG PLASTIK!
Hu Yu Hai Ding wrote:Siya pala yung unang nakahirit...
Dapat yatang magkaroon ng bagong
episode ang Magpakailanman.
Pamagat: "Disisyete"
Users browsing this forum: No registered users